Handang-handa na ang hanay ng Comelec sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan para sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Ayon kay Mangaldan Election Officer IV Cecilia Castro, walang problema sa kanilang nasasakupan maging sa mga tumatakbong kandidato sa kanilang bayan kung kaya’t magiging madali ang gagawin nilang preparasyon sa darating na halalan.


Sa ngayon ay all set na ang ilan nilang mga kagamitan at naghihintay na lamang sila ng mga election paraphernalia at kanila na ring inaasikaso ang gagawing pagsasanay ng mga electoral boards at technical support staffs.

--Ads--

Ayon pa kay Castro, patuloy din ang isinasagawang checkpoint sa kanilang nasasakupan upang maipatupad ang Comelec gunbun. Mula aniya ng mag umpisa ito hanggang sa kasalukuyan, wala pa naman silang nakukumpiskang mga ipinagpababawal na kagamitan. Patunay lamang aniya ito na tahimik at marunong sumunod sa mga ipinagbabawal na batas ang kanilang mga residente. with reports from Bombo Lyme Perez