Dagupan City – Muling magsasagawa ng offsite voter registration ang Commission on Elections o COMELEC Mangaldan mula Pebrero 10 hanggang 13, 2026 bilang bahagi ng paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin sa Nobyembre 2, 2026.

‎Ayon sa COMELEC Mangaldan, layon ng offsite registration na mailapit ang serbisyo ng pagpaparehistro sa mga botante sa piling mga barangay. Sa Pebrero 10, isasagawa ang aktibidad sa Barangay David sa Barangay Hall, habang sa Pebrero 11 naman ay sa Barangay Talogtog.

‎Samantala, sa Pebrero 12, gaganapin ang offsite registration sa Barangay Salay na idaraos sa Clarice Angels School Gym. Inaasahang dadagsa ang mga residente na mag-aavail ng iba’t ibang serbisyo ng voter’s registration.

‎Kabilang sa mga serbisyong maaaring iproseso ang bagong pagpaparehistro ng botante, paglipat ng rehistro, pagpapanumbalik ng rekord, at pagwawasto ng mga detalye sa talaan ng botante. Pinayuhan ang mga kwalipikadong botante na dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos ang kanilang transaksyon.