Dagupan City – Patuloy na pinaghahandaan ng Malasiqui COMELEC ang nalalapit na halalan sa pamamagitan ng kanilang pagsasagawa ng Voter’s Education sa bawat barangay.
Ayon kay Jenett Hernandez – Election Officer IV – COMELEC, Malasiqui, kanila itong iumpisahan noong December 2, 2024.
Layunin ng programang ito na ipakilala sa mga botante ang bagong Automated Counting Machine (ACM) na gagamitin sa halalan.
Ani Hernandez, dinadala nila ang mga makina sa bawat barangay at nagsasagawa ng demonstrasyon upang turuan ang mga botante kung paano ito gagamitin sa mismong araw ng eleksyon.
Bilang karagdagan, nagbigay din sila ng pagkakataon sa mga botante na na mag gawing actual ang pagboboto gamit ang makina upang magkaroon sila ng ideya sa kung papaano ang mangyayari sa botohan.
Dagdag pa ni Hernandez na ipinapaliwanag din nila kung ano ang bago sa machine na ito.
Kanilang ipinapakita kung ano ang pinagkaiba nito sa mga dating ginagamit na counting Machine sa mga nakaraang eleksyon.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga botante na magtanong at magbigay ng feedback tungkol sa bagong sistema.
Natutuwa naman aniya ang mga botante sa bayan ng Malasiqui dahil nakita nila ang pinagka-iba nito na kung saan, ang proseso ng pagboboto ngayon ay mas maayos at mabilis sa pamamagitan ng bagong Automated Counting Machine.
Ang positibong reaksyon mula sa mga botante ay nagpapakita ng kanilang tiwala at pag-asa na magiging mas maayos ang halalan.
Mula naman sa 73 brgy., natapos na nila ang mahigit 50 brgy. at inaasahan na matatapos na ang lahat sa susunod na buwan.
Para kay Hernandez, ang mga Voter’s Education seminars ay hindi lamang tungkol sa teknikal na aspeto ng halalan, kundi pati na rin sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman tungkol sa mga karapatan at responsibilidad ng mga botante.