Dagupan City – Maayos at matagumpay na nagsagawa ng isang pampublikong roadshow tungkol sa proseso ng Automated Counting Machine (ACM) ang Commission on Elections (COMELEC) s bayan ng Infanta kung saan ito rin isinagawa sa harap ng COMELEC Building.
Ang aktibidad, ay dinaluhan ng mga unipormadong tauhan mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG) ng naturang bayan at nagsilbing isang informative session upang mafamiliarize ang lokal na manggagawa sa bagong teknolohiya sa pagboto bago ang darating na halalan.
Ang roadshow ay naglalayong bumuo ng kamalayan at tiwala ng publiko sa automated election system sa pamamagitan ng pagpapakita ng proseso at katiyakan ng ACM.
Ang mga opisyal ng COMELEC ay rin nagsagawa ng detalyadong demonstrasyon ng buong proseso, kabilang ang tamang paraan ng pagmamarka ng mga balota, pagpapasok ng mga ito sa loob ng automated counting machine, at pagpapaliwanag kung paano pinoproseso at ipinapadala ng makina ang mga resulta ng halalan.
Samanala, binibigyang-diin din ng COMELEC Infanta ang kahalagahan ng edukasyon ng botante, hinihikayat ang mga dumalo na ibahgai rin ang kaalaman na kanilang natutunan sa mas malawak na komunidad, na nagtataguyod ng may kaalaman at kumpiyansang pakikilahok sa darating na halalan.
Bukod dito, ang pakikilahok ng mga nabanggit na ahensya ay mahalaga dahil sila ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan.
Ang pagiging pamilyar sa proseso ng automated election ay nagbibigay-daan sa kanila na tumulong sa pagtiyak ng maayos at ligtas na proseso ng halalan, na nagpapataas ng tiwala ng publiko sa sistema. Ang kanilang pag-unawa sa ACM ay naglalagay din sa kanila bilang mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon sa loob ng kanilang mga organisasyon at komunidad.