Nakapagpadala na ng notice ang Comelec Dagupan sa mga kandidato na magsisimula na ang campaign period sa March 28 para sa mga local candidates.

Ayon kay Atty. Franks Sarmiento – Comelec Officer, Dagupan City magsasagawa ng Nationwide operation baklas ang Comelec kung saan ay tatanggalin ang mga campaign posters na wala sa tamang lugar.

Ipinagbabawal na rin ang mga livestream na nagbibigay ng mga gift certificates o monetary dahil maituturing na itong vote buying.

--Ads--

Samantala, nananawagan din ito sa mga paaralan marahil nalalapit na ang garaduation ceremonies may sariling polisiya ang Deparment of Education na pagbawalan na magpakita ang mga kandidato sa nasabing seremonya.

Dapat ay apolitical at hindi ginagamit para sa mga campaign purposes ang mga paaralan.

Sa social media din dapat ay rehistrado ang gagamitin sa pangangampanya online at wala dapat masasangkot sa pagpapakalat ng misinformation at disinformation.

Bagamat ay hindi sakop ng regulasyon ng comelec kung gaano katagal maglivestream subalit may mga araw na nakatalagang bawal ang campaigning.

Sa ngayon ay nakabuo na sila ng committee para sa kampanyang Kontra bigay upang maiwasan ang anumang uri ng vote buying incidents.

Bukod dito ay magkakaroon din sila ng candidates briefing at peace covenant signing kaya’t umaasa ito na tatalima ang mga kandidato sa inilatag na mga rules and regulations sa nalalapit na halalan.