BOMBO DAGUPAN – Naghahanda na ang Commission on Elections Dagupan sa nalalapit na 2025 National and Local Elections kung saan ay ongoing parin ang voter’s registration na magtatapos naman sa Setyembre 30, 2024. May inilabas na nga na election resolution ang ahensiya na magsisilbing gabay sa gaganaping elekisyon ngunit for publication pa ito.

Ani Atty. Michael Franks Sarmiento Comelec Officer, Dagupan City sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ay nasa 5300 applications na ang kanilang natatanggap kung saan ay tinatayang 100 katao kada araw ang nagpaparehistro noong mga unang buwan ng taon ngunit nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng mga nagtutungo sa kanilang tanggapan na umaabot na lamang sa 40 hanggang 50 katao kada araw noong mga nakalipas naman na buwan.

Dahil dito ay inaanyayahan niya ang lahat na samantalahin ng magparehistro para hindi masyadong maabala gayong wala pang masyadong pila lalo na sa mga estudyante na kasalukuyan ay wala pang pasok sa eskwela.

--Ads--

Samantala, agad namang magsisimula ang paghahain ng certificate of candidacy matapos ang voter’s registration para sa mga tatakbo sa eleksyon at magtatapos naman ito sa Oktubre 8.

Ang national elections ay kinabibilangan ng pagboto ng 12 senador at 1 partylist at ang pagboto naman ng district representative, governor, vice governor, board member, at city/municipal officials para sa local elections.

Kaugnay nito ay automated counting machines nga ang gagamitin sa national elections at balik naman sa lokal na paraan para sa local elections.