Nanawagan ang Commission on Elections COMELEC Dagupan sa publiko na kung maaari ay magtungo sa kanilang tanggapan upang alamin ang kanilang mga presinto para sa darating na halalan.

Ito’y upang maiwasan umano ang mga problema ng pagkawala ng kanilang mga pangalan sa mismong Election Day sa Mayo.

Ayon kay Atty. Michael Sarmiento COMELEC officer dito sa syudad, hindi umano maipagkakaila na numero unong problema ang pagkawala ng mga botante dahil sa wala silang kaalam-alam kung saang presinto sila boboto at kung nasaan nakatala ang kanilang pangalan sa hanay ng mga botante sa kanilang lugar.

--Ads--

Karaniwan umano itong nangyayari sa mga matatandang botante na may pagkakataon na malipat ang pangalan nito sa ibang presinto dulot ng dumaming botante.

Payo ni Sarmiento, ngayon pa lamang ay dumulog na sila sa kanilang tanggapan para malaman kung saang presinto sila pupunta upang sa mismong araw ng eleksyon ay hindi na sila mahirapan sa paghahanap ng kanilang mga pangalan. with reports from Bombo Lyme Perez