DAGUPAN CITY- Handa na ang COMELEC Dagupan sa darating na halalan at mga inaasahang magiging problema at solusyong isasagawa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Franks Sarmiento, Comelec Officer, Dagupan City, mas mabiis na aniya ang magiging voting process sa mga voting prescint sa lungsod.
Aniya, talagang pinaghandaan ng kanilang opisina ang darating na halalan at isinaayos ang ilang mga problems encountered para sa mga ACM’s machines.
Kailangang maayos ang proseso ng mga kandidato sa gagawing mga hakbang ng mga local candidates tulad ng meeting de avance at mga moorcades.
Pinagbabawalan rin ang mga kandidato at mga kamag-anak ng kandidato na magpakita sa mga isinasagawang pay-out ng DSWD upang masiguro na hindi mababahiran ng potitika ang mga programa ng pamahalaan.