BOMBO DAGUPAN – Inaasahan ng Commission on Election Dagupan City na marami ang darating na last minute voter registrants sa darating na September 30.

Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento Commission on Election Officer, Dagupan City dahil nasa 20 araw na lamang ang nalalabi at nalalapit na ang deadline ng pagrerehistro ng mga botante ay ililipat ng kanilang tanggapan ang venue simula Setyembre 16 upang makapagcater ng mas malaking bilang ng registrants.

Ito ay kaugnay ng pagtaas ng bilang ng mga napaparehistro at aniya ay nabawi na ang 8,000 na nadeactivate matapos hindi nakapagboto noong nakalipas na sk at barangay elections.

--Ads--

Bukod dito ay mayroon ng 141, 000 sa kabuuan na registered voters sa lungsod at aniya na sa pagtatapos ng buwan ay asahan na papalo ito sa 145, 000.

Pagbabahagi niya sa mga magpaparehistro pa lamang na mainam na magdala ng photocopy ng kahit anong valid i.d. kung saan nakalagay ang present address at kung wala naman ay kumuha na lamang ng certificate of residency sa kanilang barangay.

Samantala, bukas naman ang kanilang tanggapan mula lunes hanggang sabado mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Bagamat ay ililipat nila ang venue sa may City Mall sa Mayombo ay pinapayuhan ang lahat na doon na lamang magtungo simula Setyembre 16.

Panawagan naman nito na mainam na humabol sa pagpaparehistro upang makapagboto sa darating na 2025 National and Local Elections.