Bukas pa rin ang opisina ng Commission on Elections (COMELEC) Binmaley para sa mga nais magsumite ng kanilang kandidatura para sa halalan sa susunod na taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Estrella Cave, ang Election Officer IV ng COMELEC Binmaley, mayroon nang sampung nagsumite ng kanilang kandidatura para sa nalalapit na halalan.
Sa ngayon ay nakapagsumite na ng Certificate of Candidacy (COC) ang incumbent Mayor ng nasabing bayan.
Mayroon na ring nakapagsumite ng para sa pagka bise alkalde at walong miyembro ng Sangguniang bayan kung saan dalawa sa nasabing aspirants ay independent.
Sa ngayon ay naghihintay pa ang opisina ng mga tatakbong independents at sa ilan pang mga nais tumakbo. Inaasahan na ring magsusumite ng kandidatura ang isang partido sa nasabing opisina.
Kaugnay sa balitang ito, wala pang naitalang umaatras sa mga naghain ng kandidatura.
Nanawagan ang opisina sa mga residente ng bayan na nais magsilbi sa bayan ay pumunta lamang sa opisina upang makapaghain ng kandidatura at dalhin lamang ang mga kaakibat na dokumento kung saan bukas ang itinakda ng COMELEC na huling araw ng paghahain ng kandidatura .