DAGUPAN CITY- Nakatutok ang Commission on Elections (COMELEC) Alcala sa pagpaparehistro ng mga bagong botante sa kanilang bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupn kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III ng naturang tanggapan, nagbigay na sila ng mga impormasyon sa kanilang Local Government Units (LGU) at maging sa mga paaralan upang maabisuhan ang mga kabataan nasa edad 15 pataas sa schedules ng registration.
Aniya, partikular sa kanilang target ay ang mga estudyante na nasa Grade 9 hanggang Senior High School.
Nakabukas ang kanilang opisina sa Agriculture Training Center simula Agosto 1 hanggang Agosto 10 para sa mga kabataang magpaparehistro.
Samantala, sa Comelec ground floor naman para sa mga senior citizen at Person With Disablity (PWD).
May mga nakatalaga naman sa mga paaralan, sa kanilang opisina, at satelite registration sa Agosto 1-8.
Magkakaroon naman sila ng special registration para sa mga Senior High School at PWD na magaganap sa Agosto 2-4.
Dapat lamang may dala ito sa mga sumusunod: 1x photocopy ng birth o marriage certificate, National ID, Philippin Passport, SSS, GSIS, UMID ID, NBI Clearance, PWD o Senior Citizen ID, Postal ID, IBP ID Card, o anumang government-issued ID.
Para naman sa mga estudyante ay mismong student ID lamang at address ng magpaparehistro tulad, ng bill ng kuryente at tubig.
Gayunpaman, di umano nila tatanggapin bilang identification ang Barangay Certification, Sedula, at PNP Clearance.