DAGUPAN CITY- Patuloy ang paghahanda ng mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III ng Comelec Alcala, umabot sa 32,110 ang validated registered regulars, habang 11,932 naman sa Sangguniang Kabataan.

Sa mga ito, natukoy ng Comelec sa Intramuros, Manila ang 4 na double registrants sa kanilang bayan.

--Ads--

Pinaghahandaan na rin nila ang mga 242 na presinto sa kanilang bayan.

Batay sa sinusundang guidelines, limitado sa 200 ang mga botanteng maaaring bumuto sa isang presinto kaya kanilang pinaplanong gawin clustered ang mga presinto.

Ito ay upang umabot sa 400 botante ang maaaring bumoto sa clustered precincts.

Ani Pagdanganan, mayroon 97 clustered precincts sa kanilang bayan at ito ay aaprubahan pa sa September 15 kung pasok at naaayon sa sinusundang guidelines.

Samantala, binigyan linaw ni Pagdanganan sa Supreme Court kung matutuloy ang December 2025 Elections o tuluyan itong maililipat sa November 2026.

Gayunpaman, direktiba ng Comelec na maging handa pa rin ang kanilang mga opisina.

Muling paalala naman ni Pagdanganan, sarado na ang pagpaparehistro sa kanilang tanggapan at abangan na lamang ang susunod na abiso kung kailan ito muling magbubukas.