Nasa mabuti nang kalagayan ng comedian-TV host na si Wally Bayola matapos maaksidente sa motorsiklo sa Andaya Highway, Barangay Bel-Cruz, Lupi, Camarines Sur.
Kasama ang 53 anyos na si Wally sa grupo ng riders na bumiyahe sa Bicol Region nang malubak ang motorsiklong kanyang pinaaandar habang papunta sila sa Naga City noong Linggo, Marso 29.
Ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Lupi Fire Station ang tumulong at nagdala kay Wally sa ospital.
Dinala ito sa Bicol Medical Center bago siya inilipat sa isang private hospital.
Nasugatan at nagtamo ng mga bukol sa katawan si Wally.
Subalit kinumpirma ng pamunuan ng kinabibilangang TV network na mabuti na ang kundisyon ni Wally
Matatandaan na noong Mayo 2013, naaksidente na rin si Wally habang sakay ng kanyang motorsiklo dahil iniwasan niya ang isang truck.










