DAGUPAN CITY- Nananatili pa rin na positibo sa red tide toxin ang katubigan sa bayan ng Anda at Bolinao ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1, kaya naman hindi pa rin pinapayagan na manghuli at kumain ng mga shellfish products gaya na lamang ng tahong at talaba sa mga coastal water nito.

Ayon sa isinagawang kapihan Ilocos, Iniulat ni Rosario Segundina P. Gaerlan – Regional Director- BFAR Region 1 na simula noon pang buwan ng abril hanggang sa kasalukuyan ay nararanasana pa rin ito base sa kanilang isinagawang pag eksamin ay mataas pa rin ang Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide

Dahil dito marami sa mga mangingisda ang apektado ng problema na ito kung saan hindi sila nakakakuha ng mga sellfish products para ibenta na kanilang hanapbuhay.

--Ads--

Kaugnay naito ay nakipag-ugnayan sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 1 para sa tulong na maibibigay sa mga apektadong mangingisda kung saan mahigit sa 300 na food packs ang ipinamahagi sa bayan ng Anda at Bolinao.

Inaasahan naman na magiging maayos at mawawala na ang toxin organism ngayong panahon ng tag-ulan para na rin sa hanapbuhay at kaligtasan ng publiko.

Mahalagang sundin ang mga paalala ng BFAR upang maiwasan ang panganib ng pagkakalason mula sa mga shellfish na may Paralytic Shellfish Poison.