Aerial view taken on July 15, 2021 shows the flooded village of Schuld, near Adenau, western Germany, after heavy rains and floods caused damages and teared down at least six houses and doezens of people went missing. - Heavy rains and floods lashing western Germany have killed at least nine people and left around 50 missing, as rising waters led several houses to collapse, police said on on July 15, 2021. (Photo by Christoph Reichwein / dpa / AFP) / Germany OUT

Ang climate change ang nakikitang dahilan sa pagkasawi ng halos 70 katao at halos 1,300 na nawawala dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa ilang mga lugar sa bansang Germany at Belgium.

Pinakanaapektuhan ang mga lugar sa Germany partikular na sa Rhineland-Palatinate and North Rhine-Westphalia. Nadatos din ang halos 11 namatay dahil sa pagbaha sa Belgium.

Sa eksklusibong panayam kay Bombo International Correspondent na si Darrel Dan Pinhikan sinabi nitong nakaranas sila ng matinding pag-ulan simula pa kahapon na nagresulta sa pag-apaw ng ilang mga ilog.

--Ads--

Dagdag din ni Pinhikan na ang nararansang pag-ulan ay malayo sa inaasahang panahon dapat sana ay makakaranas ang bansa ng mainit na klima.

TINIG NI DARREL DAN PINHIKAN

Sa ngayon ay naibalik na umano ang linya ng mga kuryente at signal at patuloy ring inaasahang ang pagbubukas ng mga tindahan kasama na ang pagbabalik normal ng mga daanan.