Dagupan City – Nagkaroon ng pagbisita ang Climate Change Commission sa lungsod ng Alaminos para sa pagsuporta at tulong na maibabahagi sa pangnaglaga ng Mangrove Park ng syudad.
Ang pagbisita ay pinangunahan ni Secretary Robert E.A. Borje, Vice Chairperson and Executive Director of the Climate Change Commission, ang mga kawani ng Consulate General of the Philippines, Pangasinan Provincial Agriculture Office kasama ang local na pamahalaan ng syudad na pinagunagan ng alaklde at City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang Climate Change Commission (CCC) ay isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na may pangunahing tungkulin na magpatupad at magpatala ng mga programa at proyekto na may kaugnayan sa pagbabago ng klima.
Pangunahing layunin ng pagbisita ay upang masuri ang mga hakbang na ginagawa ng lungsod sa pagsuporta sa Coastal Resource Management (CRM) Program, partikular sa Mangrove Conservation and Protection. Ang CRM Program ay nakatuon sa pagpapanatili at pagprotekta ng mga yamang-tubig at mga ecosystem sa baybayin.