Dagupan City – Puspusan ang isinasagawang clearing operation ng pamunuan ng Barangay Nibaliw West sa bayan ng San Fabian upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng lugar, lalo na ngayong patuloy ang pagdagsa ng mga bisita at beachgoers.

Ayon kay Punong Barangay Nilo Dojillo, bahagi ito ng kanilang paghahanda upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga residente at turista.

Pinayuhan din nito ang mga kabarangay na maging responsable sa pag-asikaso sa kanilang mga bisita.

--Ads--

Nagpaalala rin si Dojillo sa mga naliligo sa dagat na iwasan ang pagpunta sa malalalim na bahagi, lalo na kung malakas ang alon, upang maiwasan ang anumang sakuna.

Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng barangay sa mga residente upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lugar.