Dagupan City – Isinasagawa na ngayong araw ang Clearing Operation at pagsasaayos ng Roman Catholic Cemetery sa lungsod ng Dagupan para sa paghahanda sa darating na Undas.
Ayon kay Antonio Pacheco, Administrator ng Roman Catholic Cemetery, nagsimula na sila sa pagpintura, paglilinis ng paligid, at pagtanggal ng mga damo sa mga pangunahing daanan ng sementeryo upang matiyak ang kaayusan at kalinisan sa panahon ng paggunita ng Undas.
Ibinahagi rin ni Pacheco na mayroon nang mga bagong bahagi sa sementeryo gaya ng Phase 5, Phase 6, at Phase 7, at inaasahang madaragdagan pa ito ng Phase 8 at Phase 9.
Bukod dito, may bago ring comfort room na inaasahang magbubukas bago ang Undas.
Pagdating naman aniya sa hightide, masasabi ni Pacheco na mataas naman ang Roman Catholic Cemetery ngunit hindi rin maiiwasan ang pagbaha sa tuwing nakararanas ng pag-ulan.
Samantala, kaugnay ng mga ulat na may mga natagpuang buto na natanggal sa kanilang mga nitso, hinimok ng pamunuan na hanapin lamang nila si Bro. Ryan para tulungan ang mga ito.
Patuloy ang panawagan ng pamunuan sa publiko na magtulungan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng sementeryo para sa isang maayos at mapayapang paggunita ng Undas 2025.