Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang clean-up drive sa Bayambang National High School.

Pinangunahan naman ito ng mga Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK Federation President Marianne Cheska Dulay.

Layunin naman ng inisyatiba na pagandahin at panatilihin ang kalininisan sa bawa’t paaralan at maging mulat ang mga estudyante hinggil sa mga tungkulin at responsibilidad sa kanilang komunidad sa pangangalaga sa kalikasan. (Nerissa Ventura)

--Ads--