Pinangangambahan na magkaroon ng civil war sa bansang Afghanistan.

Ayon kay Joseph Glenn Gumpal, Pangulo ng Samahang Pilipino sa Afghanistan ito ay dahil sa paglakas ng Northern Alliance o resistance group sa lugar dahil sa pag alis doon ng mga US at NATO forces.

Inaasahan din aniya ang malaking pagbabago sa nasabing bansa dahil tiyak na ganap nang maipapatupad ang Shariah law.

--Ads--
Joseph Glenn Gumpal, Pangulo ng Samahang Pilipino sa Afghanistan

Hindi niya lubos mailarawan ang magiging situwasyon sa Afghanistan sa hinaharap.

Sa kaniyang paniniwala ay hindi kakayanin ng Taliban na pamunuan ang pamahalaan sa Afghanistan.

Mahihirapan din ang Taliban na ibangon ang Afghanistan dahil nag alisan na ang mga international companies dahil sa takot.

Dagdag pa niya na walang bansang susuporta sa kanila dahil hindi naman sila tunay na gobyerno.

Dagdag pa ni Gumpal na higit na mahihirapan sa situwasyon ang mga bagong henerasyon dahil sa ipapatupad na Shariah law.

Ito ang dahilan kung bakit dumagsa sa mga paliparan ang napakaraming mamamayang Afghans na gustong umalis ng bansa.

Joseph Glenn Gumpal, Pangulo ng Samahang Pilipino sa Afghanistan