Mas lalo pang hinigpitan ng City Veterinary Office ng Dagupan ang mga nakakapasok na karne sa pampublikong pamilihan ng siyudad kasunod ng napabalitang African Swine fever o ASF na sinasabing naging sanhi na ng pagkamatay ng ilang baboy sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay City Veterinary Officer Dr. Micahel Maramba, bagamat dati pa naman ay mahigpit na ang kanilang monitoring sa ngayon ay mas tinututukan na nila ang koordinasyon sa ilang malalapit na slaughter house na kadalasang pinanggagalingan ng mga karne ng baboy kabilang na dito ang mga bayan ng Mangaldan, Malasiqui at lungsod ng Urdaneta.
Nagsimula narin umanong magsagawa ng checkpoint sa ilang parte ng kakalsadahan dito sa siyudad partikular sa mga boundaries upang mas lalong mamonitor ang mga dumadaang sasakyan na may dalang mga karne na siyang ibinabagsak sa pampublikong pamilihan.
Samantala, hindi naman umano sila nagkukulang sa pakikipag ugnayan sa mga meat vendors kaugnay dito at nakikita din nila na nakikipagtulungan ang mga ito dahil alam din umano nila na sila ang lubos na maaapektuhan kung magiging pasaway ang mga ito.