Dagupan City – Hinihikayat ngayon ng City Veterinary Office ang mga pet lovers na magpatuloy lamang na magrescue at mag-ampon ng mga stray dogs and cats upang mabawasan ang mga pagala-galang hayop sa kalsada sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Dr. Daniel Paulo Garcia ang OIC ng nasabing opisina na hindi sila nanghuhuli ng mga pagala-galang hayop dahil problema nila kung saan pansamantalang ilalagay ang mga ito.

Nahihirapan aniya silang magpatayo ng dog and cat impound facility lalo na’t magiging problema din ang adoption nito.

--Ads--

Saad pa nito na ayaw naman nilang paslangin ang mga ito sa pamamagitan ng pag-euthinized kung may mahuli sila sa kalsada.

Ang Euthanized ay isang terminong medikal o pamamaraan para tapusin ang buhay ng isang hayop sa pamamagitan ng mga paraan na hindi masakit, kadalasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng gamot na nagdudulot ng pagkawala ng malay at pagkamatay..

Ipinaliwanag ni Dr. Garcia na ang pagkuha o paghuli ng mga hayop sa kalsada nang walang sapat na pasilidad ay magdudulot lamang ng stress at trauma sa mga ito.

Samantala, may mga barangay sa Dagupan na may mga pasilidad para sa mga stray animals na maaaring ipaampon o pansamantalang kulungan.

Upang matulungan ang mga nais mag-ampon, nagbibigay ang City Veterinary Office ng libreng veterinary services sa ilalim ng programang Saving Max ng LGU Dagupan.

Posibleng maging dulot ng ilang mga pagala-galang hayop o stray animals sa mga kakalsadahan kung hindi ito nabibigyan ng sapat na pansin ay ang pagiging takaw disgrasya sa mga motorista, perwisyo sa kanilang dumi at maghahatid ng takot sa mga tao na maaring silang makakagat.