Magiging sarado sa publiko ang City Plaza ng siyudad ng San Carlos ngayong araw at muling bubuksan bukas December 02, 2020.

Sa advisory ng LGU, nakasaad na ginawa ang hakbang upang maiwasan ang pagdagsa at pagsisisiksikan ng mga tao sa gitna ng COVID-19 Pandemic.

Samantala, sa muli namang pagbubukas ng City Plaza bukas, mahigpit na ipapatupad ang mga COVID Safety Protocols.

--Ads--

Kabilang naman sa mga alituntunin na mahigpit na ipapatupad ang pagsusuot ng facemask ng mga pupunta sa City Plaza, habang pinag-uusapan pa kung maging ang face shield ay kasama sa mga mandatoryong ipapasuot sa mga papasok doon.

Ang mga residenteng may edad labing lima hanggang animnapu’t limang taong gulang ang papayagang lumabas.

Isang daang katao lamang ang papayagang makapasok sa loob ng plaza at kapag naabot na ang bilang na ito, ang mga nais pumasok ay dapat ma maghintay sa waiting area na itatalaga.

Mananatili namang bukas ang Plaza hanggang alas siyete y medya ng gabi, alinsunod sa curfew na ipinapatupad sa probinsya.

Matatandaan na kahapon, hanggang ngayong araw, ay isinara muna sa publiko ang San Carlos City Plaza.