Nagsimula nang magtrabaho ang binuong anti flood commission ng Dagupan city government para tumutok sa problema sa baha dito sa lungsod ng Dagupan.
Magsasagawa ang anti flood commission ng malalimang pag-aaral kaugnay sa problema sa baha sa lungsod.
Binigyan ang commission ng tatlong buwan para magsagawa ng comprehensive assessment sa flooding situation sa ciudad.
Binubuo ang anti flood commission ng mga eksperto mula sa hilippine Institute of Civil Engineers, United Architects of the Philippines, Business sector at city government.
Kabilang sa unang gagawin ng commission ang paggawa ng topographical map na importante sa pagresolba ng baha sa lungsod.
Lumalabas sa pakikipag usap ni city mayor Mark Brian Lim kay DPWH secretary Mark Villar na walang master plan ang mga ginawa at ginagawang road elevation at drainage construction sa ciudad.
Nangangahulugan na walang pag-aaral kung epekto ba ang mga proyektong ito sa pagresolba sa baha.