Patuloy ang monitoring ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Dagupan sa kabila ng paglakas ng bagyong Kristine.

Kung saan inaabisuhan na ang ilang mga residente na malapit sa mga kailogan at dagat na lumikas na dahil sa banta ng storm surge.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ronald De Guzman Head, CDRRMO Dagupan na tinitignan ang paglakas ng bagyo at inaasahan na dadako ito sa West Philippine Sea.

--Ads--

Inaasahan naman ang moderate to high risk storm surge sa ibang coastal areas sa syudad.

Samantala, nagsagawa na ng pre-disaster ang nasabing ahensiya katuwang si City Mayor Belen Fernandez sa pagtugon sa mga ganitong sitwasyon.

Inabisuhan na din nila ang mga residente ng mga island barangays sa syudad upang lumikas sakali mang magkaroon ng storm surge.