DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! Nabusog ka na ba sa mga natirang ham, at iba pang handa?
Pero, natanong mo na ba kung pwede mong kainin ang iyong natirang Christmas tree?
Ganito kasi ang nagiskubre sa United Kingdom.
Taun-taon, umaabot sa 25 hanggang 30 milyong real Christmas tree ang ibinebenta sa Estados Unidos.
Kadalasan, pagkatapos ng holiday season, tinatapon na lang ito ng mga may-ari ng bahay, ngunit may mga paraan upang gawing kapaki-pakinabang ang iyong punongkahoy!
Ngunit, may isa pang kakaibang ideya, ang gawing Pine Needle Tea!
Ayon kay Julia Georgallis, isang UK artisan baker at may-akda ng “How to Eat Your Christmas Tree,” maaari mong gamitin ang mga karayom o needle ng puno bilang isang pampalasa, tulad ng rosemary, na hindi kinakailangang kainin ng diretso.
Pero, sa halip na itapon ang mga karayom, bakit hindi gawing tea?
Ang Pine Needle Tea ay puno ng mga benepisyo sa kalusugan.
Ang mga pine needles ay mayaman sa antioxidants, vitamin A, at vitamin C, na makakatulong magpataas ng iyong immune system at magpagaan ng ubo at sipon.
Ayon sa mga eksperto, ito ay isang natural na paraan upang mapabuti ang iyong kalusugan, lalo na sa mga malamig na buwan ng taglamig.