DAGUPAN CITY- Isinagawa kagabi ang makulay na seremonya sa opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Sta. Barbara para sa pagpapailaw ng mga Christmas lights sa kanilang opisina.

Ayon kay Raymondo Santos, MDRRMO Head sa naturang bayan, layunin ng seremonya ang ipakita ang diwa ng kapaskuhan at ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa kabila ng mga pagsubok na naranasan ng bayan.

Bagaman Setyembre pa lamang nila ito dapat isagawa subalit naudlot ito dahil sa mga nagdaang sakuna. Nauna na rito, nagbaklas na sila ng mga christmas decorations sa kanilang opisina bago pa dumaan ang bagyong Kristine.

--Ads--

Sinalubong naman ng mga residente ng kanilang bayan at sabik na makita ang pagpapailaw ng mga Christmas lights sa seremonya.

Dinaluhan naman ni Municipal Mayor Carlito Zaplan ang aktibidad upang magbigay suporta at mamahagi ng saya sa mga residente ng bayan lalo na ang mga bata.

Tulong-tulong naman ang mga tauhan ng MDRRMO ang naturang kaganapan upang maging matagumpay ito.