Mga kabombo! Ano ang mararamdaman mo kung makatanggap ka ng isang regalo?
Ngunit hindi ito basta-basta regalo kundi, isang ilang dekada ng regalo!
Tila nadelay kasi ang regalong dapat na matanggap ng isang 50-anyos na kinilalang si Tim.
Paano ba naman kasi, ang regalong dapat na matanggap niya noong 1978, ay ngayon niya lang nareceived?
Tila katatwa at tila ba #christmasmiracle ang na-experience nito na residente mula sa Lombard, Illinois.
Ayon sa ulat, nakita ni Tim ang bagay na ito sa loob mismo ng banyo ng knaiyang bahay habang nagre-renovate.
Matapos aniya kasing alisin ang isang medicine cabinet sa banyo para i-drywall, dito na tumambad sa dingding ang isang nakabalot na Christmas gift.
Aniya, lumang-luma na ang ginamit na Disney-themed wrapping paper.
Suspek niya, dahil ito sa kahiligan ng kaniyang mga magulang na magtago ng mga regalo sa kanilang attic, at posibleng nahulog umano ito sa crawlspace nang walang nakapansin.
Ang video ay nilagyan ni Tim ng overlay text na “#christmasmiracle” at anim na tumatawang emojis.
Dito na niya ibinahagi ang laman ng regalo na isang nakakahong Matchbox toy airplanes. Maituturing nang vintage ang naturang laruan ngayon. Hindi naman matandaan ng kanyang ina kung ito ang bumili noon ng laruan na ireregalo sana sa kanya.