Dagupan City – Matapos ang isang linggo mula nang pailawan ang mga Christmas decorations sa lungsod ng Dagupan, nagpapatuloy naman ang pagdagsa ng mga tao sa syudad.

Ayon kay Plt Col Brendon Palisoc – Chief of Police ng Dagupan City Police Station, inaasahan pa umanong madodoble o titriple pa ang mga bisita gayong may mga nakahandang aktibidad na ang lokal na pamahalaan kung ikukumpara noong mga nakaraang taon.

Gaya na lamang ng mga pailaw sa parte ng Downtown, Carnival sa parte ng De Venecia Highway, baratilyo, at food stalls sa gilid ng kakalsadahan.

--Ads--

Dahil dito, nakatadang dodoble-hin pa umano ng kanilang ahensya ang pagbabantay at siguraduhin na walang anumang insidenteng mangyayari sa kani-kanilang nasasakupan katuwang ang mga force multiplier sa lungsod at POSO.