Dagupan City – Pormal na nagbigay ng suporta ang Mangaldan Christian Ministers Fellowship (MCMF) para sa 2025 Mangaldan Town Fiesta at Pindang Festival na gaganapin ngayong Marso.

Ang mga pastor mula sa iba’t ibang simbahan ay nagpahayag ng kanilang aktibong partisipasyon sa mga pangunahing kaganapan tulad ng Grand Civic Parade at Kick-Off Ceremony sa Pebrero 28.

Sa isang pagpupulong, pinag-usapan ng mga pastor ang kanilang mga plano para sa mga aktibidad, kabilang ang Gabi ng Pasasalamat na gaganapin sa Marso 2. Ang okasyong ito ay layuning magsama-sama ang mga simbahan para magdasal at magpasalamat para sa bayan.

--Ads--

Ang mga detalye ng “Kalutan, Tugtugan tan Sayawan ed Dalan,” isang street party na bahagi ng pista, ay tinalakay din. Kasama sa mga plano ang pagtatayo ng hiwalay na entablado para sa mga Christian churches at ang maayos na pamamahagi ng mga pagkain sa mga lugar na itinakda para dito.

Ipinagkaloob na rin ang suporta mula sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sound system. Nilinaw din ang tamang paggamit ng mga grill slots para sa ligtas at maayos na pag-aalok ng mga pagkain sa kaganapan.