Inaasahang mas magiging engrande ang pagsalubong ng chinese new year sa bansang China kasunod ng pagbaba ng mga kaso ng Covid-19.

Sa pahayag ni Bombo International Correspondent Roldan Sicado Alangui mula sa Macao, China kanselado ang ilang malalaking pagdiriwang na bahagi ng paggunita ng Chinese New Year pero maipagpapatuloy pa rin umano ang malaking parada na aniya’y hindi nagawa ng bansa nang magsimula ang pandemya.

Pinapayagan na rin umano ang pagsasagawa ng mga pagtitipon dahil aniya kilala bilang Spring Festival sa China, ang Lunar New Year na papatak sa Pebrero 1 ngayong taon na pinakamahalagang oras para sa mga pamilya na magsama-sama, na inihalintulad ng ilan sa pinagsamang Pasko, Thanksgiving at Bagong Taon

--Ads--
Bombo International Correspondent Roldan Sicado Alangui

Ayon naman kay Bombo International Correspondent Ma. Teresa Poblacion na sa ngayon ay limitado pa rin sa kanilang lugar sa Macao ang mga dayuhang magmumula sa ibang mga bansa upang iguntia ang Chinese New year bilang pagtalima na rin sa kaso ng Covid-19.

Dagdag rin ni Poblacion na dahil na rin sa pakikiisa ng mga residente sa mga ibinababang panuntunan ay napapanitili nila ang zero local case ng naturang virus.

Bombo International Correspondent Ma. Teresa Poblacion

Samantala sinabi naman nitong mahigpit na lilimitahan ng pamahalaan ng Beijing na makanood ng nalalapit na Winter Olympics ssa Pebrero 4 at magtatapos sa Pebrero 20.