Nangako ang Chinese leader na si Xi Jinping na makikipagtulungan kay incoming President Donald Trump sa kanyang huling pagpupulong sa kasalukuyang US leader na si Joe Biden.

Nagkita ang dalawa noong Sabado sa sideline ng taunang Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) summit sa Peru kung saan kinikilala nila ang “ups and downs” sa relasyon sa loob ng apat na taong panunungkulan ni Biden.

Ngunit parehong itinampok ang pag-unlad sa pagpapababa ng mga tensyon sa mga isyu tulad ng kalakalan at ang Taiwan.

--Ads--

Sinabi ng mga analyst na ang relasyon ng US-China ay maaaring maging mas pabagu-bago kapag bumalik si Trump sa opisina sa loob ng dalawang buwan.

Kung saan ang hinirang na pangulo ay nangako ng 60% na taripa sa lahat ng mga import mula sa China. Nagtalaga rin siya ng mga China hawks para sa mga top foreign at defence positions.