Kinumpirma ng Board of Investments (BOI) na tumaas ang project registration mula sa Chinese investors ngayong taon sa kabila ng maritime row sa pagitan ng Manila at Beijing.
Kung saan, inaprubahan nito ang mahigit P1 billion na halaga ng mga proyekto mula sa Chinese investors mula enero hanggang setyembre 2024, mas mataas ng 237% kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang approval sa unang siyam na buwan ng taon ay mas malaki rin kumpara sa full-year project registration mula sa Chinese investors sa P619 million.
Kung saan ayon sa BOI ang China ay naging seventh-largest source ng investment approvals ngayong taon 2024.
Sa kabilang banda naman ang BOI ay humarap sa 21 kumpanya sa iba’t ibang sektor na kinabibilangan ng renewable energy (RE) equipment manufacturing, electric vehicle manufacturing, at agribusiness.