Dagupan City – Arestado na ang isang Chinese hacker na umano’y nagsisilbi rin bilang isa sa mga big boss ng Lucky South 99 na umano’y operator ng POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ito ang kinumpirma ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco Norman Tansingco, kung saan ay kinilala ang suspek bilang si Lin Qiude, 40-anyos.

Kung saan ay naaresto ito sa Poro Point Freeport sa San Fernando, La Union.

--Ads--

Matatandaan na una na ring nakipag-ugnayan ang BI sa Chinese police at kinumpirma nilang wanted si Lin sa China dahil sa iba’t-ibang kaso ng panloloko.

Kaugnay nito, pinaniniwalaan naman ng mga otoridad na si Lin ay hindi lamang nambibiktima sa Pilipinas bagkus ay maging sa iba pang bahagi ng mundo, katulad ng US, Middle East, at Europe.