Namataang binubuntutan ng isang Chinese fighter jet ang Philippine Coast Guard aircraft sa Bajo de Masinloc kahapon.

Ito ay may taas na 200ft mula sa aircraft ng PCG.

Dakong alas-8 ng umaga nang namataan ang People’s Liberation Army Naval Air Force (PLANAF) J-15 fighter jet habang nagsasagawa ng maritime domain awareness flight ang PCG Cessna Caravan.

--Ads--

Sakay naman ng PCG aircraft ang ilang mga personnel at journalist.

Ayon kay CG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, maging ang aircraft ng bansa ay nakararanas ng panghaharass mula sa China sa tuwing nagsasagawa sila ng MDA flight.