Ipinaabot ng China ang mga donasyong relief goods para sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama sa Davao Oriental.

Itinurn-over ng Chinese Consulate General sa Davao ang P4 milyong halaga ng relief goods na tinanggap naman ni Governor Nelson Dayanghirang mula kay Chinese Deputy Consul General Wang Mingqing sa Provincial Capitol Gym sa siyudad ng Mati.

Ayon sa Chinese official, umaasa silang matutulungan nito ang mga mamamayan ng Davao Oriental na makabangon mula sa sakuna at nagpahayag ng pakikiisa sa mga naapektuhan ng lindol.

--Ads--

Apat na trucks ng relief aid ang ipinadala sa Incident Command Post na naglalaman ng emergency food supplies, kabilang ang bigas at canned beef.

Ipinasakamay din ng mga kinatawan ng Association of Davao Fil-Chinese Communities ang karagdagang P700,000 halaga ng relief assistance.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, mahigit 170,000 pamilya na sa probinsiya ang naapektuhan ng doublet earthquake.