Dagupan City – Pormal nang binuksan ang Children’s Christmas Village sa Capitol Compound sa pangunguna ng First Spouses League of Pangasinan (FSLP) at ni Maan Tuazon – Guico, bilang bahagi ng mas masaya at makulay na pagdiriwang ng kapaskuhan sa Kapitolyo.
Dinagsa ng mga bata at pamilya ang lugar upang makilahok sa iba’t ibang palaro at aktibidad na inihanda para sa kanila. Layunin ng programa na maghatid ng saya, aliwan, at diwa ng pagbibigayan sa mga kabataan ngayong Pasko, kasabay ng paglikha ng masasayang alaala para sa buong pamilya.
Ang Children’s Christmas Village ay taunang proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Ramon V. Guico III, katuwang ang FSLP, bilang patunay ng patuloy na malasakit ng pamahalaang panlalawigan sa kapakanan at kasiyahan ng mga bata ng Pangasinan.
Sa temang “Paskong Ang Galing, Pangasinan Nagniningning!”, inaasahang magpapatuloy ang iba’t ibang aktibidad at pasyalan sa Kapitolyo upang higit pang ipadama ang saya at pag-asa ng Pasko sa buong lalawigan.










