DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Tinagurian na bilang kaibigan ng tao ang mga aso dahil sa kanilang pagiging loyal.
Ngunit, paano kung umabot na sa next level ang knailang loyalty?
Isang hindi pangkaraniwang kwento ng kabayanihan kasi ang naganap sa Switzerland, kung saan isang maliit na Chihuahua ang naging susi sa pagsagip sa isang hiker na nahulog sa isang malalim malalaim na parte.
Ayon sa awtoridad, nangyari ang insidente habang naglalakad sa glacier ang lalaki kasama ang kanyang alagang aso.
Bigla na lamang itong nahulog sa walong metrong lalim ng siwang, iniwang mag-isa ang maliit na aso sa gilid ng bangin.
Bagama’t may dalang amateur walkie-talkie ang biktima at agad nakatawag ng tulong, nahirapan ang mga rescuer na tukuyin ang eksaktong lugar ng insidente dahil sa lawak ng glacier at halos di kita ang siwang.
Ngunit sa isang matalas na obserbasyon, may nakapansin sa Chihuahua na hindi umaalis sa gilid.
Dahil sa matapat at matatag na presensya ng aso, natunton ng mga rescuer ang eksaktong lokasyon ng pagkahulog.