Isa umanong malaking karangalan kay Commissioner Dr. Ronald L. Adamat ng Commission of Higher Education (CHED) na maging kauna-unahang Pinoy na pinarangalan ng Mahatma MK Gandhi Prize for Non-Violent Peace Award .


Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adamat inihayag nito hindi niya inakala maging sa kaniyang panaginip na balang araw, ang isang parangal na nakapangalan sa taong labis niyang hinahangaan ay ipagkakaloob sakaniya.


Nabatid na pinangunahan ng Mahatma MK Gandhi Foundation for Non-Violent Peace at inorganisa ng internasyonal na grupong pangkapayapaan, Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL).

--Ads--


Kinilala si Dr. Ronald L. Adamat para sa kanyang mga kontribusyon sa pagsusulong ng edukasyong pangkapayapaan sa Pilipinas. Noong 2018, lumagda siya ng MOA kasama ang HWPL at noong 2019, inaprubahan niya ang isang CHED Memorandum Order na nag-oobliga sa lahat ng pampublikong unibersidad at kolehiyo, gayundin ang mga pribadong institusyon na ituro ang mga edukasyong pangkapayapaan sa kani-kanilang kurikulum.


Sa kaniyang talumpati ng pagtanggap, sinabi ni Commissioner Adamat na tinitipon niya ang suporta mula sa mga Pilipinong nagtataguyod ng kapayapaan upang makumbinsi ang pamahalaan na kilalanin bilang “National Peace Day” ang ika-24 ng Enero.


Dumalo ang mga peace advocates, pinuno ng mga institusyong pang-edukasyon, mga pinuno ng relihiyon, at mga propesor ng internasyonal na batas mula sa apat na kontinente upang pagtibayin ang pagkakaisa sa pagkilos para kapayapaan.


Nabatid na kabilang sa mga kilalang personalidad na nakatanggap ng pagkilala mula sa naturang parangal noong mga nakalipas na taon ay si dating South African President Nelson Mandela, at US Former President Jimmy Carter