Binalaan muli ng Commission on Higher Education o CHED Region I ang mga empleyado ng mga State Universities and Colleges laban sa electioneering at partisan political activities kaugnay ng eleksiyon sa Mayo 13, 2019.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Danilo Bose, Information Officer ng CHED Region I, pinaalalahanan nito ang mga guro na iwasan ang pakikilahok sa pangangampanya ng mga kandidato sa eleksyon dahil sa mahigpit itong ipinagbabawal sa ilalim ng guidelines mula sa Commission on Elections o Comelec.

Ayon parin kay Bose, bagamat wala naman nang ispisipikong mandato mula sa kanilang tanggapan, dapat na malaman ng mga kawani ng mga Higher Learning Institutions na nasa ilalim ng gobyerno na sila ay mga government employees at sinasaklawan ng pagbabawal ng COMELEC na lumahok sa anumang uri ng pangangampanya lalo na kung gagamitin nila ang kanilang posisyon para dito.

--Ads--

Danilo Bose, Information Officer CHED Region I

Samantala, inihayag ni Bose na maaaring masampahan ng kasong administratibo at paglabag sa Omnibus Election Code ang mga lalabag rito.