Nagsagawa na ng chekpoint at Dragnet Operation ang PNP matapos ang nangyaring ambush sa convoy ni dating Pangasinan 5th district Congressman Amado Espino Jr. Sa kahabaan ng Brgy. Magtaking, San Carlos City, Pangasinan.
█ DATING CONG. AMADO ESPINO JR., INAMBUSH
█ PNP San Carlos, nilinaw na isa palamang ang patay sa mga bodyguard ni dating Cong. Espino
█ Espino Ambush: Command Conference ng PNP, isinagsawa na
█ Mga bodyguard ni dating Pangasinan 5th District Cong. Amado Espino Jr., unti-unti ng nakikilala
█ Checkpoint at dragnet operation, isinasagawa ng PNP matapos ang ambush kay dating Pangasinan gov. Amado Espino Jr.
Sa press confererebce kagabi na dinaluhan ni PRO1 Regional Director, Police Brigadier General Joel Sabio Orduña, inutos na niya ang agarang dragnet operation para matukoy at mahuli ang mga perpetrators sa naganap na insidente ng pamamaril sa mga biktima.
Sa initial investigation , sakay si Espino ng Toyota Land Cruiser SUV kasama ang kanyang driver na si Agapito Cuison at Jayson Malsi habang ang kanyang back-up security ay sakay naman ng black Toyota Innova na minamaneho ni Anthony Columbino at kasama sina Police staff sgt Richard Esguerra at Kervin Marbori at patungo sanang Brgy. Ilang, nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na armado ng mga mahahabang armas.
Matapos ang pamamaril ay agad ding tumakas ang mga ito sa direksiyong Malasiqui, Pangasinan.
Agad na nasawi ang bodygiard na si Esguerra habang si Cuison, ang driver na nakapagtakbo sa dating Kongresista sa pagamutan ay nasa kritikal paring kondisyon.
Narekober ng SOCO Team mula sa Provincial Crime Laboratory Office, ang mga assorted na basyo ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril sa pinangyarihan ng insidente.