Binigyan diin ngayon ng Dagupan City Pnp na mas paiigtingin pa nila ang isinasagawang check point operation at intellegence gathering sa nabanggit na lungsod.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Lt./Col. Abubakar Mangelen Jr hepe ng PNP Dagupan, nanindigan ito na ipatutupad pa rin nila ang mahigpit na seguridad dito sa syudad, kabilang na ang pagsasagawa ng mga checkpoint. Ito kasi ang nakikita aniya nilang pinaka-mainam na para upang mapigilan ang mga posibleng insidente ng karahasan at kriminalidad.
Paglilinaw pa ng opisyal, hindi lamang sa eleksyon ito nagiging epektibo ngunit sa lahat aniya ng pagkakataon. Sa katunayan pa nga, ayon kay Mangelen, ang bente kwatro oras na check point ay mandato at utos umano ng Provincial Director sa lahat ng Chief of Police dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Samantala, bukod sa pagsasagawa ng kaliwa’t kanang check points, target din daw ng PNP Dagupan na makumpiska ang mga nagkalat na loose firearms na karaniwan namang nagagamit sa krimen. with report from Bombo Lyme Perez