Inihayag ng Center For Health Development (CHD) Region 1 na mayroong 16 na healthcare workers sa Ilocos Region ang nakaranas ng Adverse Events Following Immunization (AEFI) gamit ang Sinovac vaccine sa isinagawang vaccination roll out.
Ayon kay Dr. Rosie Pamintuan, CHD1 Regional Surveillance Unit Officer, siyam na indibidwal ang mula sa Region 1 Medical Center (R1MC) at pito sa La union Medical Center.
Ang mga ito ay nakaranas ng pamumula ng mukha, pangangati at pamamanhid ng balikat kung saan itinurok ang bakuna.
Aniya, ang mga ito ay ikinokonsiderang minor cases lamang na kadalasang nararanasan kapag binabakunahan.
Samantala, umabot na sa 2, 416 o 16% ang bilang ng medical frontliners sa Ilocos Region ang nabakunahan gamit ang Sinovac vaccine.