Dumating na sa Villamor Airbase ang Chartered Jet na pinaniniwalaang magsasakay kay Former President Duterte patungong Netherlands.

Ayon sa mga ulat ililipad si Duterte sa The Netherlands paglapag niya sa Dubai.

Ito ay matapos maghain ng arrest warrant ang International Criminal Court kay Duterte matapos nitong dumating sa bansa kaninang umaga mula sa Hongkong.

--Ads--

Samantala, sa mga nakalipas na oras, binigyang-diin ni Atty. Kristina Conti, Assistant to Counsel sa International Criminal Court (ICC), na ang mga indibidwal na inaresto sa ilalim ng isang warrant ng ICC ay kailangang mabilis na mailipat patungong The Hague, Netherlands.

Ang kanyang pahayag ay kasunod ng pag-aresto kay Duterte sa mga kasong may kinalaman sa crime against humanity kung saan ito ay kaugnay ng marahas na kampanya kontra-droga ng kanyang administrasyon.