Umabot sa hindi bababa sa P20 milyong piso ang halaga ng nakolekta ng Philippine National Police (PNP) mula sa charity boxing match na isinagawa nitong linggo, Hulyo 27, 2025.

Ayon kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III nakakolekta ang kanilang tanggapan ng higit sa P16.3 milyong halaga ng mga donasyon habang nakatanggap din ng mga bigas, delata at iba pang relief items ang PNP mula sa mga iba’t ibang sponsors nito.

Ang nakolektang pondo at relief items ay ipamamahagi sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

--Ads--

Nauna naman nang namamahagi ang PNP sa mga residente sa Baseco Compound na isa sa mga lugar na binaha dulot ng tuloy-tuloy na paguulan nitong mga nakalipas na araw.

Samantala ang iba pang pondo rito ay ibinigay naman sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Red Cross (PRC) at maging sa iba pang government organizations sa Quezon City.

Nagpasalamat naman ang hepe sa mga tumangkilik sa programa at maging sa mga sponsors na nagbigay ng kanilang tulong upang maging matagumpay ang naturang charity boxing match.