DAGUPAN CITY- Hindi tinututulan, bagkus, labis na sumasang-ayon si Prof. Roland Simbulan, Chairperson ng Center for People Empowerment in Governance na maibalik kay Sen. Ping Lacson ang chairmanship ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, mas pinagtitiwalaan nito ang kakayanan ni Sen. Lacson sa mahalagang komite ng senado dahil sa karanasan nito sa pagiging imbestigador sa ilalim ng Philippine National Police (PNP).
Aniya, makakatiyak pa na magiging matibay ang mga ebidensyang makakalap ng sa pagdinig ng senado.
Ang pagiging chairman kase ng naturang komite ay nararapat na ‘unbiased’ at may pantay na pagtingin sa paghuhusga.
Sa pananaw ni Simbulan, makakatulong din ang ganitong pamantayan sa imbestigasyon ng Independent Commmission for Infrastructure (ICI) hinggil sa maanumalyang flood control projects.
Binigyan halaga naman niya ang pagkakaroon ng ‘transparency’ sa mga isinasagawang imbestigasyon upang mabigyan ng katiyakan ang mga publiko na ninanakawan.