Tahasang pinabulaanan ni Cagayan Economic Zone Authority o CEZA Chief Sec. Raul Lambino ang mga alegasyon laban sa kanya na panghahalay sa isang menor de edad at sa asawang si Mangaldan Mayor Marilyn Lambino na inakusahan naman ng pananakit sa kanilang mga dating kasambahay.
Sa isinagawang pressconference inihayag ni Lambino na kasalukuyan na nilang pinaghahandaan ang mga posibleng isasampang kaso kung sinu-sino ang nasa likod ng pagpaparatang sa kanila na lantarang pagkasira sa kanilang dignidad at reputasyon.
Isa sa nabangit niya ang Samahang Citizen Movement Against Crime and Corruption na umano’y painangungunahan ng isang Salvador Singson de Guzman, pero nang pina-verify ang nasabing organisasayon ay wala umanong ganitong grupo at hindi nakarehistro.
Nabatid na ilang beses nang ginamit ito ng mga mapanirang periodista at Komentarista upang siraan ang ilang opisyal ng gobyerno sa executive at mga local government units.
Napatunayan din sa kanilang patuloy na pagsasagawa ng imbestigasyon na marami na silang nabiktima na mga tao na kanilang tinakot at kinotongan.
Tahasang pinangalanan din ni Lambino ang isang Jaime Aquino na isang periodista na siya umanong nagpapakalat ng maling balita.
Giit niya na hindi naman niya susukuan ang mga paratang na ibinabato sa kanya.
Aniya, wala pa siyang inurungang laban at ang ginawang paninira sa kanya ay hindi lang sampung beses siyang pinatay.
Giit niya kailangan na may managot upang ilabas ang mapanirang balita na pinagpipiyestahan ngayon ng mga tiwaling membro ng media para mapaangat ang sinusuporthan nilang mga pulitiko dito sa lalawigan ng Pangasinan at sa bayan ng Mangaldan.
Kaugnay nito ay inilapit na niya sa mga kinaookolan ang usaping ito para maimbestigahan.