DAGUPAN CITY- Nagsagawa ang Dagupan City PNP ng ceremonial disposal ng mga illegal na paputok, pyrotechnic devices at Modified Mufflers ngayon araw.
Ayon kay Brendon Palisoc, ang Chief of Police ng PNP Dagupan, isinagawa ng mga kapulisan mula sa Dagupan City ang Ceremonial Disposal ng mga illegal na paputok, tambutso, at boga sa harap ng kanilang istasyon. Ang mga nasabing kagamitan ay kinumpiska mula sa mga illegal na vendor at layunin ng seremonya na ipakita ang kanilang pagtutok sa kaligtasan ng mga residente, lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa seremonya, ang mga tambutso at boga ay pinitoit gamit ang firetruck ng Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan City, habang ang mga nakumpiskang paputok ay inilulubog sa tubig upang matiyak na hindi na magagamit.
Aniya, mahalaga ang pag-iwas sa mga delikadong paputok at ang pagpapalakas ng presensiya ng kapulisan sa mga susunod na araw.
Kasama sa nasabing seremonya ang bfp dagupan, at ang alkalde na si Mayor Belen Fernandez para saksihan ang nasabing program ng pulisya.
Bago ang seremonya sa Dagupan, nagsagawa rin ng kaparehong aktibidad ang kanilang istasyon sa Lingayen, kung saan sila ay nagsurrender ng mahigit 48 piraso ng mga illegal na paputok. Ang mga nakumpiskang paputok ay galing sa mga vendor na walang mga kaukulang permit para magbenta ng mga paputok at pyrotechnic devices.
Hanggang ngayon, wala pang naitalang violator mula sa mga vendor na mayroong mga permit. Paalala ng mga awtoridad sa mga residente, mag-ingat sa paggamit ng mga maiingay na tambutso at paputok upang magkaroon ng isang ligtas at masayang pagsalubong sa bagong taon.