DAGUPAN CITY- Nagpaalala ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Dagupan City sa mga turistang bibisita sa mga simbahan at pook pasyalan gaya ng mga karagatan ngayong Semana Santa.
Ayon kay Engr. Noriel Nisperos ang Head ng nasabing opisina na kasabay kasi ng pagdami ng mga turista ay magiging problema dito ang pagdami ng basura na tumataas tuwing lenten season at bakasyon kung saan may malakin epekto sa kalikasan.
Upang maiwasan ito, dapat aniya magdala ng mga eco bag o lagayan ng basura upang hindi kung saan-saan tinatapon ang basura at dapat laging isaalang-alang ang CLAYGo o CLean As You Go.
Nagkakaroon din naman sila ng mga partisipasyon sa pagsasagawa ng Information Education Campaign ukol sa RA. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2001 lalo na sa mga eskwelahan at LGU na malapit sa coast line.
Kapag nahuli ang isang indibidwal maaring mamultahan ng hindi baba ng 300 pesos habng hindi naman tataas sa 1000 pesos at maari din magsagawa ng community service na hindi baba ng 1 araw ngunit hindi naman tatagal ng 15 araw.