Dagupan City – 44 Days bago ang Local at National Election 2025, puspusan na rin ang ginagawang inspeksyon at pagsasaayos ng Central Pangasinan Electric Cooperative o CENPELCO sa mga linya ng kuryente at pasilidad ng kanilang nasasakupan na gagamitin para sa naturang halalan.
Ayon sa naging panayam kay Engr. Rodrigo Corpuz ang siyang General Manager ng tanggapan sa abiso ng National Electrification Administration (NEA) ay kinakailangan nang matignan at masuri ang polling at voting center na gagamitin upang matiyak na hindi magkakaroon ng aberya sa mismong araw ng halalan lalong Lalo na sa mga oras na kinakailangan ng suplay ng kuryente.
Kaya naman sa tuwing may mga naka-iskedyul na power interruption ay kanila na rin itong isinasabay na ayusin nang sa gayon ay hindi magkakaroon pagkaantala sa mga mamamayan.
Bukod pa rito ay nagbahagi rin ng panawagan si Engr. Corpuz kasabay sa pag-arangkada ng campaign period na base sa kanilang obserbasyon sana ay huwag maglagay o magsabit ng kanilang mga campaign materials sa linya ng kuryente dahil maaari itong magkaroon ng aberya. Sundin na lamang ang mga designated areas na maaring paglagyan ng mga ito upang mapanatili din ang kalinisan at walang problema na maitatala.